Monday, August 29, 2016

Pilipinas(Pearl of the orient sea)





                                                      Image result for mapa ng pilipinas clipart

                        Ang Pilipinas ay kilala bilang "Pearl of the Orient Sea" o "perlas ng Silangan" at ang pilipinas ay may madaming magagandang lugar at ang mas kilala rito ay "Boracay" dahil ang islang ito ay may buhangin na malapulbos ang tekstura at kulay,Ang dagat naman ay kulay asul dahil ang kulay ng langit ay nagrereplek sa dagat kaya naging ganoon ang kulay ng dagat at dahil sa ganda ng islang ito madaming turista ang nagpupunta o bumibisita rito. Ang "Rice Terraces" ay makikita sa Banaue,Ito ay palayan o hagdang hagdang palayan at ito ang ikinabubuhay ng mga taong nakatira sa Banaue. Madalas dito nanggagaling ang bigas na ating kinakain ngunit may "Rice Terraces" din na ngayong taon lang nadiskobre at ito ay ang "Antique Rice Terraces" ito ay tago kaya ngayon lang nakita. Ang "Puerto Princesa" ay pasok sa "Seven Wonders of the World" noong 2012. Nakapasok ito dahil sa angking gandanito at dahil ito ay may mahabang ilog sa loob ng kweba,Sa loob nito ay may maliit na talon at ang loob ng kweba ay may ikalawang palapag at dito nanggagaling ang tubig na nagsisilbing talon. Meron ring "Rock Formation" sa loob ng kweba at ang "Rock Formation" na ito ay ang "Limestone karst". "Chocolate Hills" ay matatagpuan sa Bohol at ito ang kadalasang pinipuntahan ng mga turista dahil ito ay nagiging kulay kayumanggi kapag "dry season". Ang "Maria Cristina Falls" ay ang pinakamataas na talon sa buong Pilipinas at ito ay matatagpuan sa Iligan city sa probinsya na Lanao del norte. Ang Iligan city ay may palayaw at ito ay ang "The City of Majesty Waterfalls" dahil ang lugar na ito ay may mahigit na dalawampung talon. Ang "Maria Cristina Falls" ay ginagamit sa "Agus VI Hydroelectic Plant" at ito ang nagbibigay kuryente sa bahay-bahay.

No comments:

Post a Comment