Kung ako ay mabibigayan ng pagkakataon na makapagsulat ng isang akda gusto ko ay makabuluhan ang pinupunto o nilalaman. Ang nilalaman ng aking akda ay tungkol sa problemang kinahaharap ng ating bansa katulad na lamang sa mga mahihirap na mamamayan o mga tao.
Pangunahing problemang kinahaharap ng pilipinas ay mahihirap na mamamayan o mga tao,gusto kong bigyang pansin ng gobyerno o ng ating presidente ang mga mahihirap para umangat o umunlad ang ating bansa. Pangalawang problema ay kalinisan,kalinisan ang pangalawang kinahaharap ngating bansa gusto kong ipamulat sa mambabasa ng aking akda na sana ay magkaroon sila ng disiplina dahil ang kalinisan ay susi sa magandang kinabukasan. Pangatlong problema ay kapayapan, ang kapayapaan ay isang kadena na maaaring makatulong sa pagsara sa pintuan ng karahasan o diskriminasyon. Gaganda,uunlad at magiging maayos ang ating bansa kung may kapayapaan dahil parang isa itong instrumento ma kayang magpalambot sa ating puso. Kapag may kapayapaan may pagtitiwala,pagtutulungan o pagkakaisa,may pagbibigayan,may respeto sa isa't isa at huli sa lahat ay may pagmamahal sa isa't isa o sa kapwa natin.
No comments:
Post a Comment