Monday, August 22, 2016

Kaugalian !!!




                                                                          
                                  
                       
                                   Ang nakaugalian o nakagawian na naming magpa-pamilya ay panonood ng pelikula o panonood sa sinehan dahil kapag nanonood kami ng pelikula o kung ano man ay nakakapag-usap kami tungkol sa sarili namin o kung ano mang masasayang nangyari sa amin ng araw na yun. Nakagawian narin namin ang pagkain ng sabay-sabay o magkakasama dahil dito nagkakamustahan kami tungkol sa pag-aaral namin o di kaya'y tungkol sa trabaho ng mga magulang namin at kung ano-ano pa. Nakaugalian na naming umuwe sa probinsya tuwing Mayo o kapag may piyesta dahil nakikipiyesta kami at kinukunsulta namin yung pinapagawang bahay ni mama o bahay ni lola . Nakagawian narin namin ang pagkanta kahit walang okasyon yung tipong napansin lang namin yung videoke sa canteen namin tapos magkakayayaan na kami kumanta. Kumakanta rin kami tuwing linggo dahil nahahasa ang aming mga boses.

No comments:

Post a Comment