Monday, August 22, 2016

Buong Pamilya ! Masayang Pamilya !




                                      

                          Una sa lahat ang aking nahagilap sa pagbabasa ng libro, ang una daw ay ang pagkakaroon ng "KOMUNIKASYON" sa bawat isa dahil ito ang tulay para maging maayos ang pagsasama ng pamilya. Sa komunikasyon makakapag-usap ng maayos at masinsinan para sa ikabubuti ng samahan ng pamilya at para rin makapag-usap tungkol sa problemang dumarating at darating pa. Pangalawa, ang pagkakaroon ng pagkakaisa dahil dito magkakasundo-sundo sa mga gawain at kapag may pagkakaisa may posibilidad na hindi magkakasakitan o mag-aaway-away ang bawat miyembro ng pamilya. Pangatlo, pagkakaroon ng respeto sa bawat isa dahil ang respeto ay simbolo ng pagkakaisa dahil kapag nirespeto mo ang komento o opinyon ng bawat isa di kayo magkakagulo at walang problemang magaganap . Pang-apat, pagkakaroon ng disiplina dahil kapag may disiplina hindi kayo magkakaroon ng alitan dahil ang disiplina ang siyang kumakatawan sa kalinisan,kaayusan at iba pa. Kunwari kapag nagkaroon ng away isa ito sa kawalan ng disiplina at kahit simpleng pagkakalat lang ito ay kawalan ng disiplina . Panglima at ang pinakamahalaga , ang pagmamahalan ng mga kasapi sa pamilya dahil ito ang kaharian ng bawat o lahat ng nabanggit ko dahil kong wala ito hindi rin magkakaroon ng komunikasyon,pagkakaisa,respeto at disiplina dahil sila ang kumakatawan sa pagpapatibay,pagpapanatiling buo ang pamilya at pagkakaroon ng masayang pamilya.

No comments:

Post a Comment