Wednesday, September 7, 2016

Katarungan para sa mga BABAE ! BABAE ! BABAE !



                                             Image result for girl clipart


               Ang aking sariling opinyon,Sa aking pagsusuri ang babae sa pilipinas ay may layang gawin ang gusto nila dahil walang batas na humahadlang rito pero sa malaysia ay walang kalayaan ang mga babae at mas pinapahalagahan nila ang lalaki bagama't pinapahalagahan ang mga babae pero hindi kasing taas ng pagpapahalaga sa lalaki. Ang babae sa pilipinas ay madalas na naghahanapbuhay kaysa sa lalaki,Oo nagtatrabaho ang lalaki pero hindi katulad ng babae dahil ang babae dito sa pilipinas ay ginagawa narin ang trabaho ng lalaki pero ang babaen sa malaysia ay walang kalayaan gawin ang gusto nila hindi rin sila nag-aaral o nagtatrabaho.Nagagalit ako na ang imahe ng babae samalaysia ay dinudungisan ng mga lalaki ,Ang mga lalaki sa malaysia ay walang respeto samga babae. Ipinapakita rito na walang pagkakapantay-pantay sa larangan ng kasarian at iba pa.

Tuesday, August 30, 2016

Nagtaksil ? Nakaranas ka naba ? Isalaysay mo !




             

                                        Image result for pagtataksil

                             Sa aking palagay ay hindi pa dahil hindi pa ako nagkakaroon ng kaibigang taksil. Kung ako ay papalaring magkaroon ng kaibigang taksil ito ay aking lalayuan marahil ito ay mahirap para sa akin na gawin pero pipilitin kong gawin. Halimbawa ako ay may matalik na kaibigan pero madaldal sa pagsasabi ng sekreto ito ay aking kakausapin ng maayos hindi ko ito idadaan sa marahas pamamaraan o sa init ng aking ulo na katulad ng ibang tao pero sa tingin ko mahihirapan akong gawin iyon sapagkat unting galit o inis lang ay nakakapanakit na ako pero pipilitin ko pring gawin ito para narin hindi pa lumaki ang problema. Kung ako ay tatanungin tungkol sa pagtataksil na nagawa sa mga mahal ko sa buhay sila ay mahinahon minsan pero madalas gumagamit sina ng marahas na pamamaran . Ako ay hihiling na sana ay hindi na ako magkaroon ng taksil sa kaibigan pero sa aking palagay hindi ito maiiwasan.

Monday, August 29, 2016

Pilipinas(Pearl of the orient sea)





                                                      Image result for mapa ng pilipinas clipart

                        Ang Pilipinas ay kilala bilang "Pearl of the Orient Sea" o "perlas ng Silangan" at ang pilipinas ay may madaming magagandang lugar at ang mas kilala rito ay "Boracay" dahil ang islang ito ay may buhangin na malapulbos ang tekstura at kulay,Ang dagat naman ay kulay asul dahil ang kulay ng langit ay nagrereplek sa dagat kaya naging ganoon ang kulay ng dagat at dahil sa ganda ng islang ito madaming turista ang nagpupunta o bumibisita rito. Ang "Rice Terraces" ay makikita sa Banaue,Ito ay palayan o hagdang hagdang palayan at ito ang ikinabubuhay ng mga taong nakatira sa Banaue. Madalas dito nanggagaling ang bigas na ating kinakain ngunit may "Rice Terraces" din na ngayong taon lang nadiskobre at ito ay ang "Antique Rice Terraces" ito ay tago kaya ngayon lang nakita. Ang "Puerto Princesa" ay pasok sa "Seven Wonders of the World" noong 2012. Nakapasok ito dahil sa angking gandanito at dahil ito ay may mahabang ilog sa loob ng kweba,Sa loob nito ay may maliit na talon at ang loob ng kweba ay may ikalawang palapag at dito nanggagaling ang tubig na nagsisilbing talon. Meron ring "Rock Formation" sa loob ng kweba at ang "Rock Formation" na ito ay ang "Limestone karst". "Chocolate Hills" ay matatagpuan sa Bohol at ito ang kadalasang pinipuntahan ng mga turista dahil ito ay nagiging kulay kayumanggi kapag "dry season". Ang "Maria Cristina Falls" ay ang pinakamataas na talon sa buong Pilipinas at ito ay matatagpuan sa Iligan city sa probinsya na Lanao del norte. Ang Iligan city ay may palayaw at ito ay ang "The City of Majesty Waterfalls" dahil ang lugar na ito ay may mahigit na dalawampung talon. Ang "Maria Cristina Falls" ay ginagamit sa "Agus VI Hydroelectic Plant" at ito ang nagbibigay kuryente sa bahay-bahay.

Monday, August 22, 2016

Buong Pamilya ! Masayang Pamilya !




                                      

                          Una sa lahat ang aking nahagilap sa pagbabasa ng libro, ang una daw ay ang pagkakaroon ng "KOMUNIKASYON" sa bawat isa dahil ito ang tulay para maging maayos ang pagsasama ng pamilya. Sa komunikasyon makakapag-usap ng maayos at masinsinan para sa ikabubuti ng samahan ng pamilya at para rin makapag-usap tungkol sa problemang dumarating at darating pa. Pangalawa, ang pagkakaroon ng pagkakaisa dahil dito magkakasundo-sundo sa mga gawain at kapag may pagkakaisa may posibilidad na hindi magkakasakitan o mag-aaway-away ang bawat miyembro ng pamilya. Pangatlo, pagkakaroon ng respeto sa bawat isa dahil ang respeto ay simbolo ng pagkakaisa dahil kapag nirespeto mo ang komento o opinyon ng bawat isa di kayo magkakagulo at walang problemang magaganap . Pang-apat, pagkakaroon ng disiplina dahil kapag may disiplina hindi kayo magkakaroon ng alitan dahil ang disiplina ang siyang kumakatawan sa kalinisan,kaayusan at iba pa. Kunwari kapag nagkaroon ng away isa ito sa kawalan ng disiplina at kahit simpleng pagkakalat lang ito ay kawalan ng disiplina . Panglima at ang pinakamahalaga , ang pagmamahalan ng mga kasapi sa pamilya dahil ito ang kaharian ng bawat o lahat ng nabanggit ko dahil kong wala ito hindi rin magkakaroon ng komunikasyon,pagkakaisa,respeto at disiplina dahil sila ang kumakatawan sa pagpapatibay,pagpapanatiling buo ang pamilya at pagkakaroon ng masayang pamilya.

Kaugalian !!!




                                                                          
                                  
                       
                                   Ang nakaugalian o nakagawian na naming magpa-pamilya ay panonood ng pelikula o panonood sa sinehan dahil kapag nanonood kami ng pelikula o kung ano man ay nakakapag-usap kami tungkol sa sarili namin o kung ano mang masasayang nangyari sa amin ng araw na yun. Nakagawian narin namin ang pagkain ng sabay-sabay o magkakasama dahil dito nagkakamustahan kami tungkol sa pag-aaral namin o di kaya'y tungkol sa trabaho ng mga magulang namin at kung ano-ano pa. Nakaugalian na naming umuwe sa probinsya tuwing Mayo o kapag may piyesta dahil nakikipiyesta kami at kinukunsulta namin yung pinapagawang bahay ni mama o bahay ni lola . Nakagawian narin namin ang pagkanta kahit walang okasyon yung tipong napansin lang namin yung videoke sa canteen namin tapos magkakayayaan na kami kumanta. Kumakanta rin kami tuwing linggo dahil nahahasa ang aming mga boses.

Tuesday, August 16, 2016

Awtor ako ! Paksa sa aking akda !




                         
                                        

                  Kung ako ay mabibigayan ng pagkakataon na makapagsulat ng isang akda gusto ko ay makabuluhan ang pinupunto o nilalaman. Ang nilalaman ng aking akda ay tungkol sa problemang kinahaharap ng ating bansa katulad na lamang sa mga mahihirap na mamamayan o mga tao.

             Pangunahing problemang kinahaharap ng pilipinas ay mahihirap na mamamayan o mga tao,gusto kong bigyang pansin ng gobyerno o ng ating presidente ang mga mahihirap para umangat o umunlad ang ating bansa. Pangalawang problema ay kalinisan,kalinisan ang pangalawang kinahaharap ngating bansa gusto kong ipamulat sa mambabasa ng aking akda na sana ay magkaroon sila ng disiplina dahil ang kalinisan ay susi sa magandang kinabukasan. Pangatlong problema ay kapayapan, ang kapayapaan ay isang kadena na maaaring makatulong sa pagsara sa pintuan ng karahasan o diskriminasyon. Gaganda,uunlad at magiging maayos ang ating bansa kung may kapayapaan dahil parang isa itong instrumento ma kayang magpalambot sa ating puso. Kapag may kapayapaan may pagtitiwala,pagtutulungan o pagkakaisa,may pagbibigayan,may respeto sa isa't isa at huli sa lahat ay may pagmamahal sa isa't isa o sa kapwa natin.


                                                   

                                             Lider ng bayan ! Para sa naghihirap !
                                  
                                  Kung ako ang lider ng isang bayan o magiging lider ng isang bayan ay magbibigay ako ng puhunan upang makapagtayo sila ng kahit maliit na tindahan lamang dahil alam kong may pondo ang pamahalaan para sa ganoong programa. Pwede rin ako magbigay ng trabaho para mas malaki ang kikitain ng bawat pamilya at alam kong kayang bigyan ng trabaho ng pamahalaan ang mamamayang naghihirap. Para makaangat man lang sila sa kanilang buhay pwede rin ako magbigay ng trabaho sa ibang bansa para ng sa ganoon ay magkaroon sila ng ipon dahil mas malaki ang kikitain nila sa ibang bansa pero bago ko ito magawa kailangan ko muna kausap ang pangulo para maaprobahan niya ito. Yun lamang ang akong maipapahayag tungkol dito.